2 years ago
Ang Oportunidad, Ang Oportunista, At Ang Kumadrona
Kalansing, kalansing
Sa kabilang dingding
‘Di wari ang nangyayari
Sa sariling nabingi
Suklob ng takot at panganib
Anuman ang kahinatnan
Iatras o ituloy man
Saksing langit ang kalaban
Walang salitang mabibitawan
Kimkimin ang galit sa katawan
Dal’hin hanggang huli
Ang sakit na kawili-wili
Kalansing, kalansing
Sa kabilang dingding
Pulang agos ng dagat
‘Di pinansin ang alat
Walang makababatid
Sa damdaming namanhid
‘Pagkat bunga’y pintig
Na unti-unting napatid
Sa oportunistang lumuha
Oportunidad ay nawala
Ba’t ‘di ipakita sa madla
Ang ‘yong tunay na mukha
Excerpts from a play that is still being conceived.
-
felicle-green reblogged this from bugoy
-
bugoy posted this
